Marahuyo Resins

Gumagawa ng mga likhang may puso
Maka-wika, makakalikasan, at maka-tao

Kahilom x Marahuyo Resins

Mula ika-4 hanggang ika-10 ng Abril, mayroong collaboration ang Marahuyo Resins at Kahilom para sa kumunidad ng Paleros, Payatas. 20% ng kikitain sa linggong ito ay mapupunta sa outreach programs na gaganapin doon.

(From April 4 to April 10, Marahuyo Resins and Kahilom will be having a collaboration for the benefit of the Paleros, Payatas community. 20% of the proceeds from that week will go to the ooutreact programs that will be conducted there.)

Buy One, Pay One Forward

Sa halagang 300 pesos, ikaw ay magkakaroon ng isang handmade hairpin, at makapagbibigay din nito sa isang beneficiary sa Paleros, Payatas. Dagdag pa roon magkakaraoon ka ng tatlong entry sa Kahilom x local brands grand raffle na gaganapin sa ika-10 ng Abril.

(For 300 pesos, you will have one handmade hairpin, and give one to a beneficiary in Palertos, Payatas. In addition, you will have three (3) entries to the Kahilom x local brands grand raffle happening on April 10.)

Order Form

Gamitin ang link sa baba para sa mga regular na order

The Team

Ang team... ay ako lang haha.
Hi! Ako si Dara De Castro, isang Agricultural and Biosystems Engineering student na mahilig gumawa ng mixed media art.

Ang kasingkahulugan ng "marahuyo" sa Ingles ay "enchanted". Nais kong ang pakiramdam ng pagkabighani ay maging isang bagay na nahahawakan, at maaari mong isama sa'yo parati. Nais kong ang Marahuyo Resins ang maging bagay na yun para sa'yo.

(The team... is just me haha.
Hi I'm Dara de Castro, a Biosystems and Engineering Student who has a thing for making mixed media art.

Marahuyo means "to be enchanted". I want that feeling of enchantment to be tangible, and something you can always have with you. I hope Marahuyo Resins can be that thing for you.)

[email protected]